Mahigit isang linggo na ang nakalipas matapos ang tagpo namin ng bunso kong anak na si Rommel, at sa mga nagdaang araw ay napansin kong hindi ako nito masyadong kinikibo, salungat sa nakalakihan nitong gawin.
Ayokong isiping umiiwas ito sakin at nagkataon lang siguro dahil tutok ito sa pag-aaral. Ako naman ay abala pa din sa pagta-taxi at madalas ay umi-extra pa ako ng byahe para kumita ng mas malaki.
Ilang araw pa ang lumipas at nakita kong tahimik at matamlay pa din si Rommel. Napansin na din ito ni misis at ni Ramil kaya napag-desisyunan kong kausapin na si bunso isang araw na kaming dalawa lang ulit ang naiwan sa bahay.
"Kumusta bunso? May problema ka ba? Napapansin kasi naming matamlay ka nitong mga nakaraan, nag-aalala na kami sayo," tanong ko habang magkatabi kami sa sala.