Wednesday, July 14, 2021

RS: And Dating Idolo

(Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)

“Babe naman…lumuwas pa ko from Cebu and you know I only have a few days here tapos hindi na naman tayo magkikita?” yamot na sabi ni Adrian sa girlfriend nyang si Dianne. “You can’t even spare a night to see me?” 

“Sorry na, babe. May emergency kasi si Mommy and I can’t leave her. You know naman how she gets kapag nag-aaway sila ni Daddy, di ba? Please understand,” pakiusap naman ni Diane sa kabilang linya. 

“Do I have a choice?” sukong sagot ni Adrian. “Bahala ka na babe…I don’t know what to do with you anymore…with us. It’s like you’re not even trying…ewan. Sige na. Baka ano pa masabi ko.”

 

“I’ll make it up to you babe, I promise. I’ll see you tomo—“

 

Hindi na natapos ni Dianne ang sinasabi dahil binabaan na sya ni Adrian ng telepono dahil sa inis. Napasalampak na lang ang binata sa isang sofa sa lobby ng hotel kung saan sya naka-check-in sa weekend na iyon.

 

Mag-aapat na taon nang magkarelasyon sina Adrian at Dianne at kahit magkalayo silang dalawa dahil naka-base sa Cebu ang binata at nasa Manila ang kanyang nobya, ay walang maisusumbat sa una dahil halos-halos buwan-buwan itong bumabyahe para magkasama silang dalawa.

Wednesday, July 7, 2021

Ang Mag-Byenan

Isang umaga ng Sabado habang nasa byahe ang barakong taxi driver na si Mang Dado ay nakatanggap sya ng tawag mula kay Nikko, isa sa kanyang suking pasahero. 

“Manong, siguraduhin nyong makakadaan kayo mamaya ha. Birthday ko ngayon kaya may konting celebration ako sa condo, hindi kayo pwedeng mawala,” pagpapa-alala ni Nikko ng kanyang imbitasyon sa kausap. 

 

“Hindi ba nakakahiya, Boss? Hindi ko naman kilala mga inimbita mo baka maalangan lang ako dun. Pwede namang sa ibang araw na lang ako pumunta,” sagot ni Mang Dado.

 

Matatandaang regular na pasahero ni Mang Dado ang binatang si Nikko at sa tagal na din ng kanilang ugnayan ay naging malapit na sila sa isa’t-isa. Madalas sya nitong kuning service at sa maraming okasyon ay binabayaran din sya nito para makatalik.

Friday, July 2, 2021

Ang Magkapatid 2

“Bunso! Kumusta? Mukhang enjoy na enjoy ka dyan ah!” bati ni Ramil sa kanyang kapatid nang tumawag ito sa kanya. “Si Nanay kumusta?”

 

Kasalukuyang nasa San Fernando, La Union si Rommel at ang kanilang Nanay na si Aling Rose para asikasuhin ang munti nilang ari-arian sa probinsya.

 

“Ayos naman, Kuya. Ang ganda pala dito malapit sa dagat!” masayang sagot ng kapatid. “Okay naman si Nanay. Bukas daw pupunta kami dun sa resort ng kakilala nya para makapag-swimming. Kelan ba kayo susunod dito? Miss ko na kayo nila Tatay!”  

 

“May nilalakad pa daw sila Tatay e. Tapusin daw muna nila lahat kesa naman magpabalik-balik pa dito kapag may kailangan Excited na nga din ako sumunod dyan!” sagot ng Kuya. “Ingat ka bukas ha, di ka pa naman marunong lumangoy! At wag ka masyado magpapa-itim! Hahaha!”

 

“Gagi, di naman ako umiitim no. Mestiso ata to, di tulad ng iba dyan.”

 

“May problema ka sa kulay ni Kuya?”

 

“Wala po…ang pogi mo kaya sa kulay mo! Parang masarap na chocolate! Hahaha!” biro ni Rommel. “May laro kayo mamaya, semi-finals na? Sayang di ako makakanood pero sigurado namang mananalo kayo. Goodluck sa inyo ni Kuya Obet!”

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...