Wednesday, May 29, 2024

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting bati sabay yakap ni Mang Jess kay Nikko.

Si Mang Jess ay ang dating landlord ni Nikko noong tumira ang binata sa Marikina habang nag-aaral sa kolehiyo. 

 

Sabado ng hapon at walang trabaho kaya naisipan ni Nikko na puntahan ang dati nitong tirahan. Ilang taon na ang lumipas matapos syang maka-graduate pero bumibisita pa rin sya sa boarding house at nagdadala ng pasalubong sa mga naging magulang nya ng ilang taon. 

 

Maliit lang ang boarding house—dalawang palapag ang bahay at nasa taas ang dalawang kwarto para sa mga boarders, at sa baba naman ang may-ari kasama ang nag-iisa nilang anak. 

 

Puro lalaki silang boarders noon ngunit walang kalokohang ginawa si Nikko sa boarding house nila, maliban sa pagnanasa nito sa kanilang landlord na si Mang Jess at ilang kapitbahay na tumatambay sa labas ng bahay.

Friday, March 15, 2024

Ang Gwardya sa Garahe

Araw ng byahe ay maaga akong nagising para pumasok. Alas-tres pa lang ng madaling-araw at alas-sais pa naman ako kailangang nasa garahe ngunit nagdesisyon na akong bumangon.  

Panibagong araw. Panibagong pakikipagsapalaran. Panibagong oportunidad para kumita. Ito na lang ang motibasyong iniisip ko habang naghahanda.

 

Hindi ko na ginising si misis para magpaalam ngunit dumaan muna ako sa kwarto ng aking mga anak bago umalis. Mahimbing na natutulog ang dalawa kaya’t dahan-dahan ang aking galaw.  

 

Mahirap ang aming buhay ngunit napapayapa ang loob ko kapag nakikita ko ang aking mga binata. Hindi man nila alam ang pinagdaraanan ko ay nabibigyan nila ako ng lakas at inspirasyon. Kakayanin ko ang lahat para sa kanila. Bago ako tuluyang umalis ay pareho kong kinumutan at hinalikan sa noo ang panganay kong si Ramil at kapatid nitong si Rommel.

Monday, September 26, 2022

RS: Ang Pamilya ng Karpintero

(Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)

Alas-otso ng umaga ay abalang-abala si Mang Ricky sa pagkukumpuni ng bakod ng kanyang bahay. Madali naman para sa kanya ang ganitong gawain dahil isa syang karpintero, ngunit namamawis na agad sya kaya’t naisipan nyang hubarin ang t-shirt at ngayo’y pinutol na maong na lamang ang kanyang suot habang nagtatrabaho. 

 

“Taragis ang init!” reklamo ni Mang Ricky habang pinupunasan ang katawan sabay inom ng tubig. Mag-isa lamang sya ngayon dahil umuwi sa probinsya ang kanyang misis at magtatagal doon ng ilang linggo. Gusto sana nyang sumama ngunit ang asawa na nya mismo ang tumutol dahil alam nitong kailangan pa niyang maghanap ng regular na pagkakakitaan. 

 

Napabuntong-hininga na lang si Mang Ricky habang nag-iisip at pinagmamasdan ang ginagawang bakod. “Kailangan ko nang tapusin ito para maayos ko na ang mga dapat ko pang gawin,” bulong nito sa sarili. 

Friday, February 25, 2022

RS: Ang Binatang Gipit 2

 (Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)

"Kanina ka pa nandyan sa labas, wala pa din ba yung hinihintay mo?" tanong ng asawa ni Mang Ricky na si Aling Rose. "Pumasok ka muna kaya't malamok dyan!"

"Hindi na...siguradong paparating na din yun dahil ganitong oras ang daan nun sa lugar natin. Mauna ka na sa kwarto para makapagpahinga ka na din," atubiling sagot ng lalaki. 

"Mabuti pa nga...ikaw na bahala dito't wag mong kalimutang isara yung mga dapat isara ha. Wag ka na ding magpupuyat dahil maaga tayong aalis bukas ng umaga," huling sabi ng kanyang misis saka ito pumasok para matulog. 

Nang maiwang mag-isa ay napabuntong-hininga si Mang Ricky sabay bunot nito sa huling piraso ng yosi mula sa kanyang bulsa. Malalim ang kanyang iniisip habang humihithit at mababakas sa itsura nito ang mabigat na dinadala. Isang karpintero ang 47-anyos na lalaki at noong araw ding iyon ang huling araw ng pagtatrabaho niya sa isang isang bahay na kanilang ni-renovate ng ilang linggo. Galante ang may-ari ng bahay kaya't nanghihinayang si Mang Ricky na bagaman binigyan silang lahat ng bonus, ay wala na naman syang regular na pagkakakitaan. Paniguradong ilang araw o linggo lang ay mauubos na naman ang kanyang ipon. 

Monday, August 9, 2021

Ang Suking Pasahero

Mag-aalas-otso na ng gabi nang makarating ang taxi driver na si Mang Dado sa condo na tinitirhan ng kanyang suking pasahero na si Nikko. Maaga sana syang makakarating ngunit dumaan pa sya sa pinagtatrabahuhang building nina Mang Rudy at Boyet kung saan wala sa planong napasabak sya sa isang quickie. 

 

Mabuti na lang at may dala syang t-shirt pamalit kaya’t pagdating nya sa lobby ay nagtanong muna sya kung saan ang CR para naman makapag-ayos bago sya umakyat. 

 

“Sige po. Sa dulo po tapos kanan kayo. Bukas naman yun tsaka walang masyadong gumagamit,” sagot sa kanya ng security guard.

 

Sa isang mamahaling condo sa Makati nakatira si Nikko kaya’t hindi na nagtaka si Mang Dado na mala-CR sa isang hotel ang napuntahan nya. Dumirecho agad sya sa urinal para umihi at nang matapos ay nag-ayos sa may lababo. Para masiguradong hindi sya nangangamoy pawis at natuyong tamod ay hinubad na din nya ang t-shirt para makapaghugas ng katawan. 

 

Sa ganung ayos sya nadatnan ng parehong security guard na nagpasintabi naman dahil naiihi na din daw ito.

Wednesday, August 4, 2021

RS: Ang Dating Idolo 2

 (Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)

Habang naghihintay ng elevator sina Adrian at ang kanyang dating basketball coach na si Hernan ay panay ang paumanhin ng huli dahil sa nangyari sa loob ng bar.

 

“I’m very sorry, Adrian. I don’t know what got into me that shouldn’t have happened. Fuck. What was I thinking? I hope you don’t hate me,” kabadong sabi nito. 

 

“Ano ka ba, Coach? Just relax. It’s not like I didn’t want it to happen and besides, we’re both adults here. You have nothing to worry about,” pagkalma sa kanya ni Adrian. “Tsaka sarap na sarap ako sa ginawa natin and I want more, don’t you?“

 

Hindi makapagsalita si Coach Hernan habang nanlalambot sa malagkit na titig sa kanya ng dating estudyante. Silahis si Hernan ngunit sa kagustuhan nyang pagtuunan ng pansin ang trabaho’t pagiging mabuting asawa’t ama ay pilit nyang tinalikuran ang pakikipag-ugnayan sa kapwa lalaki. Katunayan ay matagal nang wala syang nakakaisiping maliban sa kanyang asawa kaya’t ngayong kasama nya si Adrian ay ay halo-halo ang nararamdaman nyang emosyon—takot at pagsisisi dahil nagtaksil sya sa araw pa mismo ng kanilang anibersaryo, kasabay ng namamayaning pangungulila, libog at pagkasabik sa posible pang mangyari sa gabing iyon. 

Wednesday, July 14, 2021

RS: And Dating Idolo

(Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)

“Babe naman…lumuwas pa ko from Cebu and you know I only have a few days here tapos hindi na naman tayo magkikita?” yamot na sabi ni Adrian sa girlfriend nyang si Dianne. “You can’t even spare a night to see me?” 

“Sorry na, babe. May emergency kasi si Mommy and I can’t leave her. You know naman how she gets kapag nag-aaway sila ni Daddy, di ba? Please understand,” pakiusap naman ni Diane sa kabilang linya. 

“Do I have a choice?” sukong sagot ni Adrian. “Bahala ka na babe…I don’t know what to do with you anymore…with us. It’s like you’re not even trying…ewan. Sige na. Baka ano pa masabi ko.”

 

“I’ll make it up to you babe, I promise. I’ll see you tomo—“

 

Hindi na natapos ni Dianne ang sinasabi dahil binabaan na sya ni Adrian ng telepono dahil sa inis. Napasalampak na lang ang binata sa isang sofa sa lobby ng hotel kung saan sya naka-check-in sa weekend na iyon.

 

Mag-aapat na taon nang magkarelasyon sina Adrian at Dianne at kahit magkalayo silang dalawa dahil naka-base sa Cebu ang binata at nasa Manila ang kanyang nobya, ay walang maisusumbat sa una dahil halos-halos buwan-buwan itong bumabyahe para magkasama silang dalawa.

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...