Monday, August 9, 2021

Ang Suking Pasahero

Mag-aalas-otso na ng gabi nang makarating ang taxi driver na si Mang Dado sa condo na tinitirhan ng kanyang suking pasahero na si Nikko. Maaga sana syang makakarating ngunit dumaan pa sya sa pinagtatrabahuhang building nina Mang Rudy at Boyet kung saan wala sa planong napasabak sya sa isang quickie. 

 

Mabuti na lang at may dala syang t-shirt pamalit kaya’t pagdating nya sa lobby ay nagtanong muna sya kung saan ang CR para naman makapag-ayos bago sya umakyat. 

 

“Sige po. Sa dulo po tapos kanan kayo. Bukas naman yun tsaka walang masyadong gumagamit,” sagot sa kanya ng security guard.

 

Sa isang mamahaling condo sa Makati nakatira si Nikko kaya’t hindi na nagtaka si Mang Dado na mala-CR sa isang hotel ang napuntahan nya. Dumirecho agad sya sa urinal para umihi at nang matapos ay nag-ayos sa may lababo. Para masiguradong hindi sya nangangamoy pawis at natuyong tamod ay hinubad na din nya ang t-shirt para makapaghugas ng katawan. 

 

Sa ganung ayos sya nadatnan ng parehong security guard na nagpasintabi naman dahil naiihi na din daw ito.


“Pasensya na Sir nagulat ko ata kayo. Hehe. Ayos lang po yan, gawain din namin yan ng mga kasama ko dito kapag nagbibihis kami. Tsaka wala po halos nagagawi dito,” sabi ng gwardya. 


Habang naghihilamos si Mang Dado ay tuloy-tuloy pa din sa pakikipag-usap ang sekyu habang umiihi, na ipinagtaka naman ng taxi driver dahil parang ang tagal nito sa urinal. Maya-maya ay humahangos na pumasok sa CR ang isa pang naka-unipormeng sekyu na tila nagulat naman sa presensya’t hubad na itsura ni Mang Dado.

 

Bumati ang bagong dating kay Mang Dado saka ito tumabi sa urinal para umihi. Mas lalong nagtaka ang taxi driver dahil naririnig nyang nagbubulungan ang dalawa at nakita pa nya ang mga itong pasimpleng lumilingon sa kanya.

 

“Bakit may ibang tao dito?” bulong ng bagong dating. 

 

“E makiki-CR daw si Sir alangan namang tanggihan ko di ba?” paliwanag ng una. 

 

Hindi naman kinabahan si Mang Dado na binilisan na lang ang pag-aayos hanggang maghugas na din sa lababo ang pangalawang gwardya. 

 

“Sino pong sadya nyo dito, Sir?” magalang na tanong nito. 

 

“Bisita ako ni Nikko Cuevas. Naimbitahan ako kasi birthday daw nya ngayon,” sagot ni Mang Dado. 


“Ahhh…kaya pala madaming bisita’t may delivery ng pagkain si Sir Nikko,” dugtong ng sekyu. 

 

“Ki-kilala ko na to si Sir. Madalas tong kasama ni Sir Nikko…kaya tropa to, di ba Sir?” parang nagpapaliwanag naman na sabat ng unang gwardya na nagpakilalang si Ruel. 

“Oo…driver din kasi ako ni Sir Nikko minsan,” sabi ni Mang Dado na nagtataka pa din kung anong meron sa dalawang gwardya.

 

“Naiihi daw kasi si Sir kaya sinamahan ko lang dito sa CR dahil naka-lock yung pintuan…di-di ba Sir? Wala naman kaming ginagawang iba dito Maha—Kuya Mar,” namumulang dagdag ni Ruel. 

 

Dito nakumpirma ni Mang Dado na may ugnayan ang dalawa at mas na-relax sya ngayong alam nya pano pakikitunguhan ang mga ito. Na-estima na din nya ang dalawa—wala pa sigurong trenta, tisoy, katamtaman ang tangkad at laki ng katawan ng unang gwardyang si Ruel, samantalang higit-kwarenta, mas matangkad at malaki ang bulto ng katawan ng pangalawang gwardya na si Mar. Parehong may itsura ang dalawa ngunit mas may angas ang bruskong si Mar at pilyo naman ang dating ni Ruel. 

 

“Tama…ayaw ngang umalis nito ni Ruel sa pwesto pero pinakiusapan ko na lang,” ani Mang Dado sabay palihim na kindat nito kay Ruel, at imbes na isuot muli ang t-shirt ay bumalik ito sa urinal para muling umihi. 

 

Walang imik si Mang Dado habang sinasadyang tagalan ang pag-ihi at maya’t-maya ay nililingon nya ang dalawa na nahuhuli naman nyang nagbubulungan pa din. Napangiti ang barakong taxi driver at matapos ipagpag ang ari ay isinilid nya ito sa brief ngunit hindi nya isinara ang pantalon saka sya bumalik sa may lababo. Kitang-kita nyang nakatingin ang dalawa sa kanyang bukol. 

 

“Matagal na kayong nagtatrabaho dito? Hirap din siguro maging guard ano? Mabilis kasi ako mabagot kaya kung naging sekyu ako ang dami ko sigurong kalokohan,” painosenteng tanong ni Mang Dado habang kunwaring nagpupunas ng katawan ngunit gusto lang nya itong ibalandra sa dalawa.

 

“Di naman…sa-sanayan lang,” sagot ng bigotilyong si Mar.

 

“Sabagay lahat naman nakakasanayan ano kahit masakit sa umpisa?” dagdag na tanong ni Mang Dado na tuloy ang pag-flex ng kanyang maskuladong katawan habang kunwaring nananalamin. “Lalo na pag gusto mo yung ginagawa mo hindi ka magrereklamo ano?”    

 

“Uhm…ta-tama po, Sir,” napapalunok na sagot ni Ruel ngayong nakatitig sila ng kasamang sekyu sa nakalantad pa ding bukol ng bisitang driver. Sigurado ang dalawang mas lumobo pa ito mula kanina. 


Napaangat na lang muli ang tingin ng dalawa nang magsalita si Mang Dado na nakataas ang mga namumutok nitong braso. Napasinghap ang mga sekyu nang haplusin at amoy-amoyin ni Mang Dado ang kanyang mabuhok na kili-kili.  

 

“Hindi pa naman siguro ako mabaho ano mga brad? Nakakahiya naman sa taas kung amoy-pawis pala ko,” nakakalokong tanong ni Mang Dado habang malagkit ang titig sa dalawa. 

 

“May uhm…may pabango ako dito Sir baka gusto nyo pero mumurahin lang kasi…wa-wag na lang,” namumulang sabi ni Ruel sabay mabilis na binunot nito mula sa bulsa ang isang maliit na bote. 

 

“Sige…pero di ba nakakahiyang makigamit nyan? Pwede ba brad?” ngunit kay Mar nakatingin at nagpapaalam si Mang Dado.

 

“Pu-pwede naman,” tulirong sagot ng mas nakatatandang sekyu ngunit may bakas ng selos sa boses nito. “Sa kanya naman yan.”

 

“Ayos. Pwede bang ikaw na din mag-spray brad basa pa kasi kamay ko,” pagsisinungaling ni Mang Dado. 

 

Tumingin naman muna na tila nagpapaalam ang batang sekyu sa katabi saka ito lumapit kay Mang Dado. Sakto namang ayaw gumana ng pang-spray kaya’t nakakita ng pagkakataon ang nang-aakit na taxi driver. 

 

“Pag mimamalas ka nga naman…baka pwedeng kamayin mo na lang brad saka mo ipahid sa katawan ko kahit konti lang. Yan din ba gamit mo ngayon? Sige na…para mabango din ako tulad mo.”

 

Pagkarinig nito ay sumunod na lang si Ruel na itinaktak sa kamay ang pabango saka nito direktang ipinahid sa may leeg pababa sa maumbok na dibdib ni Mang Dado. 

 

“Grabe ang…ang tigas ng katawan nyo, Sir!” papuri ni Ruel habang hinahaplos ang maskuladong katawan ng taxi driver. “Parang sayo, Kuya Mar!”

 

Nakangising nakatingin lang si Mang Dado sa pangalawang gwardya’t kitang-kita nya ang pagtitimpi nito.

 

“Okay na siguro yan brad,” deklara ni Mang Dado. “Magbihis na ko.”

 

Ngunit bago tuluyang isuot ang t-shirt ay ipinasok ng taxi driver ang kamay sa pantalon nito’t lantarang sinalsal sa loob ang naninigas nitong burat na ikinagulat ng dalawa.  

 

“Ahhhhh…ang sarap pero mamaya na to. Sayang naman kung kakamayin ko lang,” pananakam ni Mang Dado saka ito nagbihis. “Pano mga brad? Mamaya na lang ulit kung andito pa kayo pagbaba ko.”

 

Natatawang lumabas na ito ng CR at narinig pa nya ang tunog ng nagkakalasang sinturon bago sya makalayo’t makasakay sa elevator.

 

Pagdating ni Mang Dado sa tamang palapag ay bumati sa kanya ang tugtugang nagmumula sa unit ni Nikko. Mabuti at konti lang ang mga units sa bawat palapag ng condominium hindi tulad sa iba na posibleng may magreklamo pa dahil sa ingay. 

 

Kinakabahan man ay nag-doorbell na si Mang Dado at hindi nagtagal ay pinagbuksan na sya ng isang pamilyar na lalaki. 

 

“Tangina sa wakas! Hoy Nikko andito na pinakahihintay mong bisita!” masayang bungad sa kanya Erwin, ang bestfriend ni Nikko. “Pasok kayo, Nong. Ba’t ngayon lang kayo?”

 

“May byahe pa kasi ako Sir kaya natagalan. Di na sana ako pupunta di ko lang talaga mahindian ang kaibigan mo,” paliwanag ni Mang Dado. 

 

Sa tagal nang magkakilala ni Nikko at Mang Dado ay naipakilala na din ng una ang huli kay Erwin. Tulad ni Nikko ay bisexual din ang binata at kaka-break lang daw sa GF nito. Gwapo, matangkad, mabait at palabiro din si Erwin na nakasama na ni Mang Dado sa ilang out-of-town na byahe kaya’t magkasundo na din silang dalawa. 

 

Pagdating nila sa malawak na sala ng condo ay nakita ni Mang Dado ang tatlo pang lalaki na maingay na nagku-kwentuhan habang umiinom. Pansin agad ng taxi driver na puro may itsura’t may kaya ang mga ito kaya’t nag-alangan syang makihalubilo. 

 

“Guys, si Nong Dado nga pala. Sya yung kinu-kwento namin sa inyo ni Nikko. Nong, mga kaibigan namin,” pagpapakilala ni Erwin. “Wag kayong mahihiya. Hindi nangangagat ang mga yan. Hahaha!”

 

“Magandang gabi po mga Sir,” bati ni Mang Dado. “Mukhang nakakarami na kayo ng inom ah.”

 

“Welcome po, Kuya,” sagot ng isa. “Feel at home po.”

 

“Anong feel at home? Gago mas madalas pa nga ata si Manong dito kesa sating lahat. Hahaha!” sabat naman ng pangalawa.

 

“Onga pala. Sorry naman! Haha!”

 

“Asan na nga pala yung birthday boy? Kung kelan andito na guest-of-honor nya eh sya naman ang nawawala,” tanong ni Erwin. 

 

“Nasa kwarto may tina-trabaho, este may inaayos daw. Kanina pa yun dun,” sabi ng pangatlong lalaki. 

 

“Aling kwarto? Tangina ang dami kasing kwarto dito. Sandali’t sunduin ko muna. Dyan ka muna Nong. Safe ka dyan. Takot lang nila kay Nikko. Hahaha!” turan ni Erwin. 

 

Masaya namang nakipagkwentuhan ang tatlong naiwan sa nahihiya pa ding taxi driver, at hindi nakaligtas sa kanya ang malalagkit na tingin ng mga ito. Mabuti na lang at bumalik na si Erwin kasama ang lasing nang si Nikko. 

 

“Nong Dado! Pucha kanina pa kita hinihintay ba’t ang tagal mo?” masayang bati ng binata sabay halik pa sa labi ni Mang Dado na ikinagulat ng mga kasama. “Akala ko di ka na darating magtatampo talaga ko!”

 

“Uhm…pa-pasensya na Boss. Sayang kasi yung byahe, alam mo na,” namumulang sagot ni Mang Dado. 

 

“Wag kang mag-alala ako na bahala sayo. Ikaw pa ba?” deklara ni Nikko. “Guys, si Nong Dado nga pala.”

 

“Pinakilala na sya samin kanina. Paulit-ulit tayo, Pare? Hahaha!” sabat ng isang bisita.  

 

“Sorry, sorry. Haha! Kaibigan ko to si Nong Dado matagal na kaya i-welcome nyo sya dito,” sabi ni Nikko. “Nong, enjoy ka lang dito.”

 

“Kanina ka pa hinahanap nyan Kuya, kulang na lang ipahanap ka na sa pulis. Hahaha!”

 

“Onga. Pero kita nyo naman guys…sulit naman palang hintayin to si Kuya. Gwapo na ang ganda pa ng katawan! Swerte mo birthday boy!”

 

“Grabe oh…walang-wala mga katawan natin dito kay Kuya. Batak!”

 

“Baka naman pwede mong i-share si Kuya samin, Nikko? Pa-birthday mo samin!”

 

Sa halip naman na mahiya ay lihim na natuwa pa si Mang Dado sa mga naririnig na papuri. Kaya naman nyang pakisamahan ang mga ito dahil ayaw nyang mapahiya si Nikko sa mga kasama. 

 

“Hoy magsitigil kayo. Kung ako ngang bestfriend na nitong si Nikko ay hindi nakiki-share dito kay Nong Dado e kayo pa kaya? Ang kay Nikko ay kay Nikko so sa iba na lang kayo,” natatawang pagsuway naman ni Erwin na ikinatuwa ni Mang Dado. 

 

“Hahaha! Makinig kayo dito kay Erwin. Tsaka para naman kayong mawawalan. Chill lang kayo guys,” sagot ni Nikko. 

 

“Baka lang makalusot di ba? Hahaha!” sabi ng isang bisita. “Pero baka pwede makahirit na lang…pakitaan mo naman kami kung gano kayo ka-close nitong si Kuya.”

 

“Onga naman, Nikko! Yun lang!”

 

“Ang kukulit nyo mga gago. Hahaha!” sagot ng may birthday. “Pwede ba, Nong? Nang matigil na tong mga hinayupak na to.”

 

“Oo naman, Boss,” game na sagot ni Mang Dado na ikinatuwa ng mga nakamasid. 

 

Umakbay si Nikko kay Mang Dado sabay bulong nito sa tenga ng taxi driver. 

 

“Kung ako lang e kanina pa kita chinupa sa harap ng mga to saka ako magpapatira sayo…tangina mas lalo kang sumasarap sa paningin ko, Nong! Na-miss kita…na-miss ko tong burat mo,” malandi nitong sabi sabay pasok nito ng kamay sa t-shirt at sunod ay sa pantalon ng napasinghap na si Mang Dado. 

 

“Ayan na! Live show! Live show! Live show!” kantyaw ng mga sabik na nanonood. 

 

“Game ka, Nong?” muling bulong ni Nikko sabay dila sa tenga’t pisngi ni Mang Dado.

 

“Lagi naman akong game basta kasama ka,” sabay huli ng taxi driver sa labi ng binata para makipaghalikan dito. 

 

Mapusok agad ang halikan ng dalawa’t pinaparinig pa nito ang tunog ng malaway nilang halikan sa lahat. Agresibo din ang pagjakol ni Nikko sa matigas nang burat ni Mang Dado sa loob ng pantalon nito. 

 

Walang maririnig sa mga bisita kundi ang mahinang pagmumura. Lahat sila, kasama na si Erwin, ay tinigasan na sa malaswang palabas na pinapanood. 

 

“Ughhhhhh…ang sarap mo talaga Nong,” mahinang ungol ni Nikko na kapit na kapit sa maskuladong katawan ni Mang Dado. 

 

“Ang sarap mo din,” sagot ng taxi driver na mas nag-init naman dahil pinapanood sila ng mga bisita. Alam nyang takam na takam ang lahat sa kanya sa oras na iyon. 

 

Matapos ang ilang minuto ay kusang kumalas sa halikan ang dalawa at natatawang pinahid ang laway sa mukha ng isa’t-isa. 

 

“The best ka talaga, Nong!” bulong ni Nikko. “Solb na ba kayo guys? Tangina ang lilibog nyo mga gago! Hahaha!”

Hindi naman nakasagot ang mga bisita na napanganga na lamang sa nasaksihan. Yung iba ay pilit na tinatakpan ang namumukol nilang hinaharap. 

 

“Ayos ba mga Sir? Natulala na kayong lahat,” kantyaw ni Mang Dado. 

 

“Tangina. Kung di lang kita bestfriend tinalo ko na tong si Nong Dado, Nikko. Grabe kayong dalawa!” sabi ni Erwin. “Pakainin mo na nga muna tong VIP Guest mo baka kung ano pa mangyari. Hahaha!” 

 

“Gago. Walang talo-talo. Hahaha! Sige, samahan ko lang sandali si Nong Dado,” paalam ni Nikko. 

 

“Baka kayong dalawa ang magkainan ha! Hahaha!” pahabol na kantyaw ng mga kaibigan ni Nikko. 

 

“Pasensya ka na sa mga yun. Harmless naman ang mga gago, wag kang mag-alala,” kwento ng binata.

 

“Ayos lang. Mukhang masaya nga tropa mo eh…masarap ka-bonding kapag makukulit,” sagot ni Mang Dado. 

 

Pagpasok ng dalawa sa kitchen at dining area ay nagulat si Mang Dado na may ibang bisita pa pala si Nikko.

 

“Manong Dado! Dumating ka din sa wakas!” masayang bati sa kanya ni Jeric, ang masahistang nakuha nila noon isang beses sa Cubao. “Kain tayo!”

 

“Ayos ah…andito ka din pala Jeric,” bati naman ni Mang Dado. “Sino tong mga kasama mo?”

 

“Inimbitahan kami ni Sir Nikko dahil birthday daw nya at gusto nya ng massage party kaya kumuha ako ng makakasama galing sa spa namin,” kwento ni Jeric. “Nga pala…si Dindo, Maynard at si Brix. Mga tol…si Manong Dado, kaibigan ni Sir Nikko.”

 

Matapos magbatian ay nagpaalam muna si Nikko na babalik muna sa mga kaibigang nag-iinuman sa sala. 

 

“Tagal nating di nagkita, Manong! Kumusta?” masayang tanong ni Jeric kay Mang Dado. “Akala ko di ka na darating hinahanap ka namin ni Uncle Edsel.”

 

“Ayos lang naman. Eto, nagta-taxi pa din pero nabili na namin bayaw at kaibigan ko yung kumpanya kaya ako na mag-manage,” sagot ni Mang Dado. “Kumusta si Pareng Edsel?”

 

“Big-time ka na pala, Manong! Pag wala na kami sa spa baka pwedeng sa inyo na kami magtrabaho! Hahaha!” sabi ni Jeric na sinang-ayunan ng mga nakikinig na kasama. “Kasama namin si Uncle pero may minamasahe pa dun sa kwarto kaya nauna na kaming kumain.”

 

Habang nagku-kwentuhan ay hindi maiwasang maalala ni Mang Dado ang nangyari noong nakuha nilang masahista itong si Jeric. Unang beses na magpamasahe ng taxi driver na nauwi sa umaatikabong ‘extra serbis’, at dahil sa kalokohan ni Nikko ay pati ang taga-hatid-sundo na tiyuhin pala ni Jeric na si Mang Edsel ay nakasama nila noon sa isang matinding bakbakan. 

 

“Ang bait ni Sir Nikko ano? Bihira yung ganyang mayaman pero walang yabang sa katawan,” sabi ng masahistang si Dindo. 

 

“Parang barkada lang ang turing satin kaya hindi nakakahiya,” pagsang-ayon naman ni Maynard.

 

“Buti kamo pati yung mga kaibigan nya mga disente din…pero napalaban ako dun sa isa kanina…alam nyo na. Hahaha!” kwento ni Brix. 

 

“Tangina mo tol ginalingan mo ba? Ibinida namin kayo kay Sir Nikko kaya wag nyo kaming ipapahiya ni Uncle. Alam naman natin ang ipinunta natin dito’t dapat masulit ang pinangakong bayad sating lahat,” paalala ni Jeric.

 

Natatawa namang nakiking lang si Mang Dado habang ini-estima ang mga kasama ni Jeric. Mukha namang maayos ang mga ito bukod sa pare-pareho silang may itsura’t batak din ang pangangatawan.

 

Patapos na silang kumain nang dumating naman ang tiyuhin ni Jeric na si Mang Edsel na niyakap pa si Mang Dado nang makita nya ito. Tulad ng taxi driver ay napanatili din ni Edsel ang matikas nyang pangangatawan at sunod kay Mang Dado ay ito na ang may pinakamalaki sa grupo. 

 

“Kumusta, Pareng Dado?” tanong ni Mang Edsel. “Buti nakarating ka!”

 

“Eto buhay pa din naman. Haha! Sa ibang araw na nga lang sana ako pupunta pero hindi ko mahindian si Nikko,” sagot ni Mang Dado. 

 

“Kanina ka pa nga hinihintay nun. Pero hindi naman ako nagtataka kung bakit humaling na humaling yun sayo. Naalala ko tuloy yung nangyari satin nun sa Cubao. Wild! Haha!” biro ni Mang Edsel. 

 

“Anong nangyari, Manager?” tanong ni Dindo kay Mang Edsel. “Kwento naman dyan!”

 

Maliban kay Jeric ay “manager” ang tawag ng mga masahista kay Mang Edsel dahil ito ang nag-aasikaso ng pangangailangan nilang sa spa, kasama na ang pag-schedule ng booking. 

 

“Wag nga kayong tsismoso mga tol! Samin na lang yun nila Uncle! Haha!” sabat ni Jeric. 

 

“Akala ko nag-retire ka na sa pagmamasahe, Pare?” interesadong tanong ni Mang Dado. “Pagtrabahuhin mo nga tong mga alaga mo. Haha!” 

 

“Naku Manong…mabenta pa din kasi yang si Uncle. Bukod sa pogi e may katawang pang-romansa pa din tulad mo!” si Jeric na ang sumagot. “Ngayong andito ka na tyak hindi na kami mapapansin mamya sa labas, di ba mga tol?”

 

“Ano nga bang tawag nila dun? Fetish? Basta trip daw nila yung mga ‘daddy’ kesa mga bata. Kung alam lang nila yung iba satin ay totoong daddy na talaga. Hahaha!” sabi ni Brix.  

 

Masaya ang kwentuhan ng grupo habang masinsinan ang usapan nina Mang Dado at Mang Edsel sa isang tabi. Nabanggit ng huli na ilang beses na din daw silang kinuha ni Nikko para mag-serbis at nakapunta na din daw ito sa kanilang spa. Alam nilang mabait at galante ang binata kaya’t VIP ang turing nila dito.

 

Hindi nagtagal ay magkasamang pumasok sina Nikko’t Erwin na may dala-dalang paper bag. 

 

“Nakakain na ba kayong lahat? Ikaw, Nong?” tanong ni Nikko habang si Erwin naman ay nakikipaghuntahan sa mga nakababatang masahista. 

 

“Tapos na, pati itong si Pareng Edsel,” sagot ni Mang Dado. “Ang dami pa nitong pagkain may darating pa ba kayong bisita?”

 

“Wala na. Ibababa na lang namin sa mga gwardya yung tira tapos kung gusto nyong mag-uwi mamaya pwede din,” si Erwin na ang sumagot habang kinakalkal ang laman ng paper bag. 

 

“Hubarin nyo na yang mga scrubs nyo tapos yan ang isuot nyo. Iwan nyo na lang mga gamit nyo dito tapos sunod kayo sa labas pag ready na kayo,” utos ni Nikko. “Sa inyo na din ang mga yan.”

 

“Bilisan nyo lang…excited na kami sa labas. Hehe,” dugtong ni Erwin bago sila tuluyang bumalik sa sala. 

 

Naiwang nakanganga ang grupo nang makitang samu’t-saring underwear ang laman ng paper bag—mula sa trunks, brief, jockstrap, boxers at mahahalay na bikini at thong. 

 

“Pucha ang dami nito at mukhang mamahalin pa!”

 

“Tangina eto talaga isusuot natin? Kita na yung kaluluwa natin dito ah!”

 

“Akin na tong isang trunks, bahala na kayo dyan.”

 

“Eto sayo, Brix! Ikaw naman ang may pinakamalaking pwet sating lahat!

 

“Kunin mo na tong isa, Maynard tutal ang liit ng etits mo kasya yan sa tela! Haha!”

 

“Gago. Ipasubo ko sayo to makita mo!”

 

“Wag kayong maarte. Tandaan nyo, malaki ang bayad satin dito. Hindi naman tayo bago sa ganitong kalakaran kaya ayusin natin ang serbisyo sa labas. Sakyan lang natin ang mga trip nila’t wala namang ipapagawa ang mga yan na ikapapahamak nating lahat, di ba Pareng Dado?” madiing sabi ni Mang Edsel. 

 

“Tama si Pareng Edsel. Alam nyo na naman mga kiliti nila…kayang-kaya nyo yan,” dagdag ni Mang Dado. “Baka nga magustuhan nyo pa, enjoyin nyo na lang. Haha!”

 

“Narinig nyo sila Uncle. Bihis na tayo!” sambit ni Jeric.

 

Walang hiya-hiyang naghubad na magkakasama ang mga masahista sa harapan ni Mang Dado. Kitang-kita nya ang tikas ng kanilang pangangatawan kasama na ang nakabuyangyang nilang pagkalalaki, ngunit sa kanilang lahat ay si Jeric pa din ang may pinakamalaking katawan. Pinili ng binata ang isang dilaw na trunks na tumingkad pa sa kayumanggi nitong kulay, at dahil masikip ay mas naging prominente’t katakam-takam ang labas-bulbol na bukol nito. 

 

“Mas lalo atang lumalaki itong pamangkin mo, Pareng Edsel,” papuri ni Mang Dado. “Bato-bato na ang katawan ah!”

 

“Walang-wala pa din ako sa katawan nyo ni Uncle, Manong. Kayong dalawa pa din ang idol ko,” sagot ni Jeric na nag-flex pa ng katawan. “Ayos ba? Hehe.”

 

“Malapit na nga po naming itumba to si Jeric dahil sya na lang lagi ang mabenta sa spa, di ba mga tol? Hahaha!” biro ni Dindo.

 

“Pag naka-tyempo kami puputulin namin yang etits ni Pareng Jeric. Haha!” sabat ni Brix.

 

“Ulol! Pag nakita nyo burat nina Uncle at Manong siguradong mas uurong yang mga titi nyo. Haha!” bawi ni Jeric. “Alin pala isusuot mo, Uncle?”   

 

“Pwede na to sakin,” sabay dampot ni Mang Edsel ng isang boxer shorts. 

 

“Wag yan pare! Hahaha! Pucha kakasabi mo lang na wag maarte tong mga alaga mo tapos yan lang sayo?” puna ni Mang Dado. “Eto gamitin mo, sayang naman kung di mo ibibida yang uhm…basta may ipagmamalaki ka naman.”  

 

“Ito talaga? Haha!” sabi ni Mang Edsel na sinisipat ang puting jockstrap na inabot ni Mang Dado. “May ganito ka din di ba? Suot mo ngayon?”

 

“Sige na…wag mo na ibahin ang usapan at isuot mo na yan. Jeric, tulungan mo Uncle mo nang mapabilis.”

 

“Grabe ang astig talaga ng katawan nyo, Manager! Pang-derby!” papuri ng mga masahista. “Ang sarap nyo po, Daddy! Hahaha!”

 

Ang hindi alam ng lahat ay kanina pa tinatablan si Mang Dado sa nakikita nyang kahubdan ng mga kasama, lalo ngayong wala na ding saplot si Mang Edsel. Naaalala ni Mang Dado ang bayaw nyang si Bong, kumpareng Elmer at mga anak na si Ramil at Rommel. Ano kayang iisipin ng mga iyon kung alam nila ang ginagawa nya ngayong gabi?

 

Nang makapagbihis si Mang Edsel ay umupo itong muli para makipag-kwentuhan kay Mang Dado, habang kinakausap naman ni Jeric ang tatlong kasama kung ano ang diskarte nila paglabas. Hindi nakaligtas sa taxi driver ang pasimpleng paghimas ng mga masahista sa kani-kanilang bukol para paumbukin lalo ang mga ito. Yung iba’y tila nagpa-praktis pa ng paggiling nang mag-isa o nang may partner. Maya-maya’y umupo na sa tabi ng kanyang tiyuhin si Jeric. 

 

“Mukhang mga hustler na nga tong mga alaga mo, Pare,” puna ni Mang Dado habang pinapanood ang harutan nina Dindo, Maynard at Brix na nauuwi sa paghaplos at paghawak nila sa katawan ng isa’t-isa. 

 

“Ang bilin ko lang sa mga yan e wag silang mapipilit na gumawa ng bagay na labag sa kalooban nila, at wag din silang manloloko ng kliyente. Matagal na yang mga yan sakin kaya parang anak na din ang turing ko parang ito si Jeric,” sagot ni Mang Edsel sabay akbay sa pamangkin. 

 

“Mababait po ang mga yan, Manong. Si Dindo’t si Brix may asawa’t anak na kaya seryoso sa pagtatrabaho. Si Maynard binata pa tulad ko pero masipag din. Gusto naman namin ang trabahong pinasok namin tsaka andito naman si Uncle para gabayan kami,” dagdag ni Jeric na malambing na hinihimas at tinatapik-tapik ang hita ng tiyuhin.

 

Sa nasaksihan noon ni Mang Dado sa motel kung saan sila nagkakilala, at sa nakikita nya ngayon ay namamangha sya sa ugnayang namamagitan sa dalawa. Mag-tiyuhin nga ang mga ito ngunit walang dudang higit pa ang turingan nila dahil sa pinapakita nilang pag-aasikaso’t paglalambing sa isa’t-isa.

 

“Daan ka sa spa minsan para makita mo, Pare. Libre na din masahe mo,” sambit ni Mang Edsel. 

 

Hindi naman na nakasagot si Mang Dado dahil panay ang bulong ni Jeric habang paakyat nang paakyat ang paghaplos nito sa hita ng tiyuhin hanggang umabot na nga ang palad nito sa bukol ni Mang Edsel. 

 

“Ano yang ginagawa mo uy…nakikita ka ni Pareng Dado, Ric,” saway ng namumulang si Mang Edsel na inaalis ang kamay ng pamangkin sa kanyang umbok. “Puputulin ko tong kamay mo sige ka.”

 

“Ngayon ka pa nahiya Uncle,” sagot ni Jeric sabay pilyong pinisil-pisil ang bukol ng tiyuhin. “Ang sexy mo kasi sa suot mo!”

 

Hindi naman alam kung saan titingin ni Mang Dado—sa mag-tiyuhin bang naglalampungan sa harapan nya o sa tatlong masahista na nagpapatigas na din ng kanilang ari. Narinig na lang ng taxi driver ang tunog ng halikan nina Jeric at Mang Edsel na hindi rin pala nakaligtas kina Dindo, Maynard at Brix. 

 

“Kaya pala dumami bigla langgam dito e ang sweet na naman ng aming loveteam!” kantyaw ni Brix. 

 

“Nang-iinggit na naman kayo, tol at manager!” segunda ni Dindo. “Wala kaming kahalikan dito oh!”

 

“Alam nyong may relasyon itong dalawa?” gulat na tanong ni Mang Dado.

 

“Hindi naman po nila tinago samin yan, Manong. Tanggap na tanggap namin yang dalawa na talo pa ang mag-asawa sa ka-sweetan at kalibugan. Hahaha!” sagot ni Maynard. “Wala naman po silang sinasagasaang tao tsaka sino ba naman kami para humusga?”

 

“Hanep. Tindi nyong dalawa!” sabi ni Mang Dado na nakaramdam ng kakaibang libog at inggit sa relasyon ng mag-tiyuhin. 

 

“Grabe naman kayo…nagpapainit lang kami ni Uncle. Kung gusto nyo e gumaya na lang din kayo,” sabay dila ni Jeric sa kaliwang tenga ni Mang Edsel. “Ikaw pa din ang pinakamasarap para sakin, Uncle!”

 

“Ahhhh…alam mo talaga pano ako palibugin, Ric!” ungol ng napapaiktad na si Mang Edsel habang niroromansa sya ng binata. “Pasensya ka na, Pare…malibog talaga tong pamangkin ko. Ohhhh…sandali ma-may naghihintay pa satin sa labas…”     

 

Napako na sa panonood si Mang Dado ngayong itinaas na ni Jeric ang kamay ni Mang Edsel para brotsahin ang mabuhok na kili-kili nito, habang nilalamas ng libre nyang kamay ang matigas na dibdib ng tiyuhin. 

“Slurrrppp…hmmmmm…tssuppp,” maingay na pagdila ni Jeric na lumipat na sa kabilang kili-kili. 

 

“Tanginang yan…gutom na naman si Pareng Jeric oh,” bulong ni Dindo. 

 

“Sarap ba, Manager?” Nakakalibog kayong dalawa panoorin!” dugtong ni Brix. 

 

Hindi naman na nagtaka si Mang Dado na nakalapit na pala ang tatlong masahista. 

 

“Ilabas mo na para majakol mo na, tol,” sulsol ni Maynard na sya namang ginawa ni Jeric. 

 

“Pucha ang tigas na nyan, Manager!” bulalas ni Dindo. “Hayop di talaga kasya isang kamay lang oh!”

 

Hindi ito ang unang beses na makita ng taxi driver ang ginagawa ng dalawa, ngunit iba ang sitwasyon ngayong inuudyukan pa sila ng mga kasamang masahista. Nakababa na hanggang hita ang harapan ng jockstrap na suot ni Mang Edsel at dumedede na ngayon si Jeric sa kaliwang utong ng tiyuhin. 

 

“Nakakalibog sila ano, Manong?” komento ni Brix nang makitang kumambyo si Mang Dado para ayusin ang naiipit nyang katigasan. “Kapag nakikita namin silang ganyan pati kami nadadala.”  

 

Napansin ni Mang Dado na lantaran na ding nagbabate ang tatlong masahista habang nanonood. Di nagtagal ay kusa na ding naghahalikan sina Dindo at Brix na parehong nakababa ang mga underwear na suot, at tangan ang utog na alaga ng isa’t-isa. 

 

“Pucha sali naman ako dyan, mga tol!” inggit na sabi ni Maynard na nakisalo na sa matinding halikan at salsalan ng mga kasama. 

 

“Ayos ba mga alaga ko, Pare? Ahhh…ako nagsanay sa mga yann…ohhhh,” ungol ni Mang Edsel na hawak na sa ulo si Jeric para ipagduldulan sa sinusubo nitong ari. “Ma-magagaling ang mga yan…ohhhhh…pero pinakamagaling ito si Jeric ko…ahhhhh…putanginang bibig yann…”

 

“Gwaarrrkkk…slurrrppp…ohmmmm,” maririnig mula sa nabibilaukang si Jeric na nakaluhod na sa pagitan ng hita ng kanyang tiyuhin. 

 

“Manonood ka na lang ba, Pare? Ilabas mo na din yang sayo alam kong kanina pa matigas yan,” paanyaya ni Mang Edsel na kumakadyot pa para salubungin ang pagtaas-baba ni Jeric sa kanyang alaga. 

 

“Onga, Manong! Patingin din kami ng junior mo, ang lagay e sila Manager lang makakakita?” udyok ni Dindo habang sabay na binabate sa magkabilang-kamay ang utog na burat ni Maynard at Brix.    

 

“Ako na, Manong,” pagboboluntaryo ni Jeric na saglit huminto sa pagchupa kay Mang Edsel para mabuksan ang pantalon ng taxi driver. “Tayo kayo.”

 

Walang nagawa si Mang Dado kundi itaas hanggang dibdib ang t-shirt na suot habang nagkukumahog si Jeric sa paghuhubad ng pantalon nya. Gusto pa sanang takpan ng binata ang ari ng taxi driver para patakamin ang mga kasama ngunit hindi nya ito magawa dahil sa kalakihan ng burat ni Mang Dado. Sa halip ay mabilis nya itong isinubo at binate bago sya bumalik sa kandungan ni Mang Edsel. 

 

“Putanginang yan! May mas lalaki pa pala sa burat ni Manager! Grabe pala yang tinatago nyo, Manong! Nakakatuyo ng lalamunan!” koro ng mga napabilib na masahista habang iwinawagayway pa ni Mang Dado ang nangigintab nyang burat dahil sa laway ni Jeric. 

 

Hinayaan na lang ni Mang Dado na lumapit ang tatlong masahista para mahawakan ang maskulado nyang katawan kasama na ang utog nyang pagkalalaki.

 

“Ang taba nito pucha at ang bigat! Hawakan mo tol!”

 

“Kawawa bibig at butas na papasukin nito! Warak at laspag sigurado!”

 

“Nakakatakot na nakakatakam! Ano mga tol...naunahan na tayo ni Pareng Jeric kanina, sino sunod na luluhod dito kay Manong?”

 

Napangiti na lang si Mang Dado habang nilalantakan ng tatlo ang kanyang katawan. Dagdag-kumpyansa para sa isang may edad at pamilyadong barako tulad nya ang pagnasaan, at ngayon ay mina-muscle worship ng mga mas bata sa kanya. 

 

“Tabi muna kayo,” rinig nilang utos ni Mang Edsel na tumayo’t lumapit sa taxi driver.

 

Napanganga na lang ang mga masahista sa nakakapasong itsura ng dalawang magkaharap na barako—parehong matangkad, kayumanggi, balbon, gwapo at nakakapaglaway ang bato-batong katawan. Ilang segundong malagkit na nagtitigan ang dalawa habang sabik na naghihintay ang lahat sa susunod na mangyayari. Dahil magkadikit ay kita ng lahat na mas malaki’t mahaba ang batuta ni Mang Dado na tumatama naman sa alaga ni Mang Edsel. At tila parang pagsuko sa katotohanang ito ay dahan-dahang lumuhod si Mang Edsel at bigla na lang isinubo nang buo ang kanina pa kumakatas na burat ni Mang Dado. 

 

“Tangina di man lang hinawakan, sinubo agad!” gulat na sabi ni Dindo. 

 

“Hayok na hayok si Manager! Sagad kung sagad…swabeng sumubo!” segunda ng dalawang kasama habang si Jeric ay tahimik na nagjajakol kahit halatang nagulat ito sa inasta ng kanyang tiyuhin. 

 

Wala pakialam si Mang Edsel sa nangyayari sa paligid at dire-diretso lang ito sa pagchupa sa kaedarang nyang si Mang Dado. Ipinagyayabang pa nitong walang kahirap-hirap nyang naisasagad sa kanyang bibig ang maugat na sandata ng taxi driver. Walang sabit. Swabe ang hagod. Nakakabighani ang mabilis na paglabas-masok ng kahabaan ni Mang Dado sa malalim nyang bunganga. 

 

“Ohhhhh…ibang klase ka talaga trumabaho, Pare! Uggghhh…ang dulas at ang init ng bibig mo! Baon na baon…tangina sigee pa…pakitaan mo tong mga alaga mo pano ang tamang pagchupa!” ungol ni Mang Dado na hawak pa ang ulo ni Mang Edsel para kantutin ang bibig nito. 

 

Walang reklamong maririnig kay Mang Edsel kahit marahas na ang pagpiston ni Mang Dado sa kanyang bibig. Nagagawa pa nga nyang salatin ng kanyang dila ang mapintog na bayag ni Mang Dado habang dini-deepthroat nya ito at nakabaon ang kanyang ilong sa malagong bulbol ng taxi driver. 

 

“Pucha sige…gayahin mo Uncle mo tol…ohhhhh…isagad mo din!” biglang ungol ni Dindo na syang may pinakamalaking titi sa tatlo. “Masarap din yang burat ko…ahhhh…sige lang!”

 

Nakaluhod na pala si Jeric sa harapan ng mga kasamang masahista at salitan nyang chinuchupa ang mga ito. 

 

“Titi ko naman isubo mo, Tol!” utos naman ni Brix. “Ahhhhh…puta hinding-hindi talaga kami magsasawang magpchupa sa inyo ni Manager!”

 

“Ako naman…wag nyong solohin si Pareng Jeric! Yan...shit masarap ba mga burat namin, Tol? Tanginang bibig yan…talentado!” ungol ni Maynard sabay abot sa mukha ng mga kasama para makipaghalikan ulit sa mga ito. “Fucckkk…ohhhh…kaya mahal na mahal ko kayo, mga tol! Hinding-hindi ko iiwan ang spa…ang sasarap nyo!”

 

“Baka labasan kayo may trabaho pa kayo sa labas,” babala ng nagpipigil ding si Mang Dado sa mga binata. “Mamaya nyo na ituloy yan.”

 

“Slurrrpp…ahhhhh…wag kang mag-alala, Pare. Sanay yang mga yan sa ganitong foreplay, hindi pa yan sila lalabasan,” sabi ni Mang Edsel na namumutok ang mga labi sa kakachupa. “Tinuruan ko pano magpigil yang mga alaga ko.”

 

Nasa ganung mainit na tagpo sila nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Nikko. Hindi naman nila ikinubli ang ginagawa ngunit lahat sila’y nagsipag-ayos ng sarili. 

 

“Walangya kaya pala ang tagal nyong lumabas kanina pa kami naghihintay…may nangyayari na pala dito,” sabi ni Nikko. “Ayos ka lang, Nong?”

 

“Oo naman…nagpa-praktis lang tong mga bisita mo,” nakakalokong sagot ni Mang Dado na pilit itinatago ang matigas pa ding ari. “Bilisan nyo na dyan nang makapagpalabas, este, makalabas na kayo.”

 

“Pasensya na, Boss Nikko. Nagpainit lang kami,” paliwanang ni Mang Edsel.

 

“Ayos lang. Mauna na kayo dun,” utos ni Nikko sa mga bayarang masahista. 

 

Nagpaiwan sandali sina Nikko at Mang Dado at nang makalabas ang lahat ay nilapitan at masuyong hinalikan ng binata ang taxi driver, na buong lambing namang tinugunan ni Mang Dado. 

 

“Happy birthday ulit,” nakangiting bati ni Mang Dado matapos ang kanilang halikan. “Masaya ka ba?”

 

“Kanina hindi pero okay na nung dumating ka. Haha!” sagot ni Nikko na nakayakap pa sa taxi driver. “Kala ko di ka na darating.”  

 

“Pwede ba namang hindi? Lakas mo sakin eh.”

 

“Nambola pa. Ikaw ah…dumidiskarte ka na dito kanina.”

 

“Wala yun. Tamang painit lang…syempre naka-reserve ako para sa may birtnday. Haha! Ano bang balak mo sa labas?”

 

“May naisip kami ni Erwin pero bahala na mamaya kung ano mangyari.”

 

“Yan ka naman sa mga naiisip mong kalokohan. Haha! Basta manonood lang ako ah. Bahala na sila Pareng Edsel sa labas.”

 

“Ano lagi ko sayo sinasabi, Nong?”

 

“Oo na…na hindi mo ko ipapahamak. Kung may magbabalak sakin sa mga bisita mo e bugbog aabutin sakin.” 

 

“Gago. Wag ganun. Ako na lang bugbugin mo mamaya…sa sarap.”

 

“Kelan din ba kita pinabayaan? Haha! May masasaid na naman po mamaya!”

 

Naputol lang ang harutan ng dalawa nang marinig nila ang masayang sigawan sa labas. 

 

“Tara na’t sayang naman kung hindi mo makikita ang hinanda nila Pareng Edsel sa birthday mo,” yaya ni Mang Dado saka nito muling hinalikan sa labi si Nikko. “Happy birthday, Boss.”

11 comments:

  1. Maraming salamat sa update, Hari. Excited na ako sa fuckfest sa susunod na episode. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala na daw itong next chapter. LOL. Kidding. Salamat sa pagbasa!

      Delete
    2. Admin, yung next update naman po pls. habang WFH pa rin ako. Hehehe.

      Delete
    3. Wait lang. Na-busy lang inyong lingkod. Haha!

      Delete
    4. Walang busy-busy. Make time for your blog. Charot. Hahaha. Thanks Hari!

      Delete
    5. Dear author,

      Here's hoping u would post updates.

      Sincerely,

      Ur avid reader na araw-araw bumibisita ng page mo

      Delete
  2. umatikabo mainit na eksena ang kasunod

    ReplyDelete
  3. Pasko na author aba asan n update..��

    ReplyDelete
  4. Waiting sa update author. Ganda ng story. Kakalibog

    ReplyDelete
  5. Kumusta n kya author neto masyadomg matagal na d ng update.. Sna ok ka lng po author nkakamiss mga kwento mo sna maipagpatuloy mo update neto sayang e..

    ReplyDelete
  6. Update please authir

    ReplyDelete

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...