Friday, March 15, 2024

Ang Gwardya sa Garahe

Araw ng byahe ay maaga akong nagising para pumasok. Alas-tres pa lang ng madaling-araw at alas-sais pa naman ako kailangang nasa garahe ngunit nagdesisyon na akong bumangon.  

Panibagong araw. Panibagong pakikipagsapalaran. Panibagong oportunidad para kumita. Ito na lang ang motibasyong iniisip ko habang naghahanda.

 

Hindi ko na ginising si misis para magpaalam ngunit dumaan muna ako sa kwarto ng aking mga anak bago umalis. Mahimbing na natutulog ang dalawa kaya’t dahan-dahan ang aking galaw.  

 

Mahirap ang aming buhay ngunit napapayapa ang loob ko kapag nakikita ko ang aking mga binata. Hindi man nila alam ang pinagdaraanan ko ay nabibigyan nila ako ng lakas at inspirasyon. Kakayanin ko ang lahat para sa kanila. Bago ako tuluyang umalis ay pareho kong kinumutan at hinalikan sa noo ang panganay kong si Ramil at kapatid nitong si Rommel.

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...