Wednesday, May 29, 2024

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting bati sabay yakap ni Mang Jess kay Nikko.

Si Mang Jess ay ang dating landlord ni Nikko noong tumira ang binata sa Marikina habang nag-aaral sa kolehiyo. 

 

Sabado ng hapon at walang trabaho kaya naisipan ni Nikko na puntahan ang dati nitong tirahan. Ilang taon na ang lumipas matapos syang maka-graduate pero bumibisita pa rin sya sa boarding house at nagdadala ng pasalubong sa mga naging magulang nya ng ilang taon. 

 

Maliit lang ang boarding house—dalawang palapag ang bahay at nasa taas ang dalawang kwarto para sa mga boarders, at sa baba naman ang may-ari kasama ang nag-iisa nilang anak. 

 

Puro lalaki silang boarders noon ngunit walang kalokohang ginawa si Nikko sa boarding house nila, maliban sa pagnanasa nito sa kanilang landlord na si Mang Jess at ilang kapitbahay na tumatambay sa labas ng bahay.

Friday, March 15, 2024

Ang Gwardya sa Garahe

Araw ng byahe ay maaga akong nagising para pumasok. Alas-tres pa lang ng madaling-araw at alas-sais pa naman ako kailangang nasa garahe ngunit nagdesisyon na akong bumangon.  

Panibagong araw. Panibagong pakikipagsapalaran. Panibagong oportunidad para kumita. Ito na lang ang motibasyong iniisip ko habang naghahanda.

 

Hindi ko na ginising si misis para magpaalam ngunit dumaan muna ako sa kwarto ng aking mga anak bago umalis. Mahimbing na natutulog ang dalawa kaya’t dahan-dahan ang aking galaw.  

 

Mahirap ang aming buhay ngunit napapayapa ang loob ko kapag nakikita ko ang aking mga binata. Hindi man nila alam ang pinagdaraanan ko ay nabibigyan nila ako ng lakas at inspirasyon. Kakayanin ko ang lahat para sa kanila. Bago ako tuluyang umalis ay pareho kong kinumutan at hinalikan sa noo ang panganay kong si Ramil at kapatid nitong si Rommel.

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...