(Author's Note: Naisipan kong gumawa ng isa pang series na pagbibidahan naman ng mga lalaki sa buhay ni Mang Dado, ang parausang taxi driver. Ang mga kwentong ito ay may label na "ES" or extra series, hindi extra service. Haha! Enjoy!)
“San mo ba talaga ko dadalhin, Art? Batangas na to ah! Naubos na oras natin sa byahe, we could have spent it sa bahay na lang to celebrate!” inis na sabi ni Chief Insp. Ferdinand Gamboa sa nagda-drive na si Insp. Arturo Santos.
“Ang init naman ng ulo ng mahal ko. Relax,” malambing na sagot ni Santos na hinagkan pa ang kamay ni Gamboa. “Surprise nga di ba? Besides, malapit na din tayo. I’m sure you’ll like what I planned for you.”
Magkasintahan sina Gamboa at Santos na nagkakilala noong baguhan pa lang sila sa PNP. Matagal na sa serbisyo at mataas na ngayon ang ranggo ng dalawa, ngunit parehong wala sa itsura nila ang edad dahil sa tikas at laki ng kanilang pangangatawan. Parehong gwapo ang magkasintahan at lapitin pa din ng mga babae at bakla kahit pareho na silang may asawa’t mga anak.