(Author's Note: Para may variety, naisipan kong magsulat ng mga kwentong hindi bahagi ng 'Mang Dado Series'. They will be labeled RS as in 'random stories'. Haha! Sana magustuhan nyo din.)
“HOY ANDRES TANGHALI NA BUMANGON KA NA DYAN! PAGOD NA PAGOD NA AKO SA TRABAHO GANITO PA MADADATNAN KO YUNG PINAGKAINAN NYO KAGABI HINDI NYO MAN LANG HINUGASAN ANO BA NAMAN YAN! BUMANGON KA NA DYAN MALILINTIKAN KA SAKIN!”
“Tangina talagang buhay to,” bulong ng yamot na si Andoy habang inaayos ang kanyang higaan.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ang pagtatalak ng kanyang Ate na si Teresa ang gumigising sa kanya. Panggabi ang trabaho nito bilang nurse sa isang ospital sa Makati at ito na ang tumayong magulang sa kanilang pamilya matapos maagang mamatay ang kanilang Nanay at magka-pamilya naman na iba ang kanilang Tatay.
“Ate naman…hindi ka ba napapagod sa kasisigaw mo? Alas-6 pa lang ng umaga nakabusangot ka na. Mabilis kang tatanda nyan, sige ka. Tsaka baka magising si Abby sa lakas ng boses mo,” mahinahong bati ni Andoy paglabas nya ng kwarto. “Nakakahiya pati sa mga kapit-bahay.”