Wednesday, January 20, 2021

Ang Magkapatid

“Kuya, nagtext na si Mama pauwi na daw sila galing airport. Nasundo na daw nila si Uncle Bong tapos tinatanong kung tapos na daw tayo magluto,” sabi ni Rommel sa kanyang Kuya Ramil na abala sa paghahanda sa kusina. “Sabi ko nasunog mo yung pagkain kasi di ka marunong magluto kaya mag-drive thru na lang sila. Joke lang, Kuya. Hahaha!”  

“Sira-ulo! Sabihin mo patapos na, sakto kamo pagdating nila kakain na lang,” sagot ni Ramil. “Tulungan mo kaya ako nang matapos na, tama na yang kaka-porn mo dyan sa cellphone mo umagang-umaga!”

 

“Anong porn? Grabe ka sakin Kuya, ka-text ko kaya si Mama. Ikaw nga tong mahilig sa porn nahuhuli kita pag gabi di mo man lang hinaan volume ng pinapanood mo!” bawi ni Rommel na nagsimula nang mag-ayos ng mesa.  

 

“Ah ganun sinisilipan mo pala si Kuya ha! Lika nga dito!” sabay batok at kiliti nito sa nakababatang kapatid. “Kunwaring tulog ka pala baka vini-video mo pa ko babasagin ko talaga yung phone mo!”

 

“Aray Kuya! Binibiro ka lang eh susumbong kita kay Tatay Do!” pagmamaktol ni Rommel. 

 

“Oh di magsumbong ka. Mamaya andito na si Tatay Bong may kakampi na ko akala mo ha,” mayabang na sagot ni Ramil. “Tapos na ko dito, ikaw na maghain. Maligo lang si Kuya saglit.”

Friday, January 8, 2021

Ang Bayaw

 Alas-kwatro ng madaling araw ay nasa airport kami ni Misis at hinihintay na lang makalabas ang bayaw kong si Bong na umuwi galing Saudi. Swerte't nataong may byahe ako kaya may nagamit kaming sasakyan sa pagsundo.

"Welcome home, bayaw! Kumusta byahe?" masayang bati ko nang sa wakas ay makalabas ito ng airport. 

"Okay naman Nong Do, kayo kumusta?" nakangiting sagot ni Bong sabay yakap nito sa amin ng kanyang Ate. "Ang haba ng flight pero di ako halos nakatulog sa excitement. Kumusta mga bata? Etong si Manong parang pumu-pogi at lumalaki katawan ah! Dami mo sigurong tsiks lagot ka kay Ate," biro pa nito.

Bago ako sumagot ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang itsura ni Bong lalo't matagal kaming hindi nagkita. Mas matanda ako at magkasing-tangkad lang kami halos ngunit mas malaki na ang katawan nito sakin matapos ang ilang taong pagta-trabaho sa Saudi. 

Ang Landlord

“Walangya buti napadalaw ka…kumusta ka na?! Ang tagal mong hindi bumisita dito, akala tuloy namin ay nakalimutan mo na kami!” nakangiting ba...